Tulong ng Social Media

              Bago mo basahin ang blog ko na ito, sumagi naba sa isip mo na, ano tayo ngayon kung wala ang social media o ano na lang ang buhay kung wala ang social media? Sa modernong panahon at sa mataas na teknolohiya ng bansa,  marami ng sumusulpot na applications tulad ng facebook, instag, twitter, yahoo at iba pa at ito ay halimbawa ng social media. 

          Sa buhay  natin ngayon napaka-laki ng ginagampanan ng social media sa pang araw-araw nating pamumuhay. Katulad ko bilang isang mag-aaral ang social media ang tumutulong saakin upang mapadali ang aking pag-aaral.  Tinatayang mahigit 54 milyong Pilipino (o kalahati ng ating populasyon) ang gumagamit ng internet. Ngunit bago ang lahat, ano nga ba ang social media? Ayon sa brainly.ph ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao nakung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon atmga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing naisang pangkat ng mga internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng web 2.0  na nagbibigay-daan sapag likha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isangindibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay atbaguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isangmatibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal. 

                         Napaka halaga at laki ng ginagampanan ng social media saatin, ngunit paano nga ba ito nakakatulong ito saatin sa panahon ng sakuna? Alam natin na sa oras ng sakuna ang social media ang kinakapitan sa impormasyon. Unahin natin sa pamilya, dahil sa social media nagiging daan ito upang maging updated ang bawat miyembro ng pamilya sa isa’t isa. Isang halimbawa na dito sa tulong Facebook, Twitter o kaya ng Instagram maaari mai-tag ang bawat miyembro ng pamilya o kaya mag videocall nang sa gayon ay malaman ang balita sa isa’t isat. Maaari din dahil dito ay mas lalo pang maging matatag ang pundasyon ng relasyon ng pamilya. Ayon sa psycho.ph “masusubok nag relasyon ng pamilya sa oras ng hindi magkakasama” ibig sabihin ay di nasusukat ang pagmamahalan ng pamilya kahit sa araw-araw na pagsasama lamang dahil totoong malalaman mo ito ay malayo nasa isa’t isa. At dahil sa tulong ng social media mas lalo itong napagtitibay, tinutulugan ang mga bawat miyembro ng pamilya na makipag-ugnayan  kahit na malayo sa isat isa.

social-contest-cover-image.jpg

               Pangalawa ay ang mga social workers, napakahalaga nila dahil sila ang gumagawa ng serbisyong panlipunan, tumutulong sa panahon ng kagipitan ng ating buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kompidensyal na pagpapayo, suporta at impormasyon. Sa tulong ng social media sa kanilang trabaho mas napapadali ang kanilang pagtulong sa ating kababayan. Nalalaman, at natutukoy agad kung sino ang kanilang bbibigyan ng simpatya at tulong. Sa 54 milyong mamayang pilipino ang gumagamit ng internet araw-araw, sa pagpost lamang ng pictures at videos nalalaman natin ang espesipikong mga tao at lugar na nangangailangan ng tulong. Isang halimbawa na dito pag lumindol, o pag bumagyo sa tulong ng social media malalaman natin kung sino ang mga taong at lugar na naapektuhan ng sa gayon ay matulungan kaagad. Dahil sa social media tayo ay nagkakaroon ng kamalayan sa ating paligid at ito ay tumutulong lumigtas ng buhay ng tao. 

socialmediaatworkteaser.jpg

               Ang naman pangatlo naman ay ang gobyerno. Alam natin na ang gobyerno ay taga pagpatupad ng batas upang sa kaayusan ng bansa at may tungkulin pagsilbihan ang bayan. Sa tulong ng social media nalalaman ng ating gobyerno ang nangyayari sa ating bansa. Alam natin na ang social media ay isa sa makapagyarihan taga paghatid ng balita, at dahil dito mas nalalaman ng gobyerno ang lagay ng bawat tao at lugar na kanyang nasasakupan. At sa oras ng kalamidad alam nalalaman ng gobyerno kung saan at sino ang kailangan pagtuunan ng atenston at tulong. Isang halimbawa na dito ang bagyong Yolanda, isa sa mga malalakas na bagyo na dumaan sa ating bansa, sa tulong ng social media nalaman ng gobyerno kung saang mga lugar ang natamaan ng bagyo ng sa gayun ay bigyan ng donation tulad ng pagkain at tirahan. Isa pang halimbawa dito, ang PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) o iba pang mga administration ay gumagawa ng facebook account or twitter account ng sa gayun ay mabilis nila maikalat ang balita sa mga mamamayang Pilipino ang lagay ng ating panahon. 

social-media-and-government-featured-image.png

                      Sa pag-unlad ng teknolohiya at social media sa ating bansa marami na ito naging epekto. Ngunit ano nga ba ang pinagkaibahan noon at sa bagong panahon sa pagpapalaganap ng impormasyon at paggamit ng media? 

Noon ay dumedepende lamang tayo sa TV, radyo at print tulad ng dyaryo sa pagkuha ng impormasyon. Dahil sa hindi pa ganun ka-usbong ng teknolohiya at  pagpapalaganap ng impormasyon dati, ang ating kaalaman sa ating kapaligiran ay nagiging limitado lamang. Hirap tayo sa pagkuha ng impormasyon. Ngunit ang pagpasok ng computer, internet, cyberworld sa ating henerasyon ay nagdulot ng mabilisang pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan sa buong mundo. Kung dati-rati, ang mga pinagkukunan ng mga impormasyon ang tinatawag na “mainstream media” na kinabibilangan ng mga pahayagan, telebisyon at radyo. Subalit, sa pagpasok ng mga naunang nabanggit nagbago ang kalakaran sa impormasyon- naging mabilis at personal. Ang ugnayan ng bawat isa sa mga gumagamit nito ay napapadali at nakakatulong sa pag-usad ng pagbabago sa bawat isang Filipino.

              Sa pagpasok ng mga bagong teknolohiya na naghahatid na mabilis na impormasyon. Gamitin natin sa tama ang social media dahil kung isasaisip natin, napakadami nitong magagawa upang mas mapaunlad at mas mapadali ang ating buhay na magpapatungo satin sa maganda at matagumpay na kinabukasan.

 

 

 

Tuloy Pa Rin

                                                         “Tuloy parin ang awit ng buhay ko
                                                          Nagbago man ang hugis ng puso mo
                                                          Handa na ‘kong hamunin ang aking mundo
                                                         ‘Pagkat tuloy pa rin”

              Ang tadhana nga ay sadyang mapaglaro. Puno ng hirap, puno ng pagsubok. Minsan dadalhin ka sa pinaka-masayang bahagi ng buhay mo at minsan sa pinaka-malungkot at pinakamasakit na bahagi, yung tipong gusto mo nalang mawala dahil hindi muna makaya. Nalugmok man sa labis na kalungkutan, ngunit ako’y namulat sa katotohanan na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. Mabibigat na balakid, lahat ay nalampasan. Dahil iniwan ko na ang nakaraan at mas piniling ipag patuloy na lumaban para sa kasalukuyan.

Ang kantang ito ay inihandog ng Neocolors noong 1988, nabuo ang ang kanilang grupo noong 1980’s. Ang kanilang grupo ay binubuo ni Jimmy Antiporda (keyboards) , Ito Rapadas (vocalist), Marvin Querido (2nd keyboards), Josel Jimenez (guitar), Paku Herrera (bass) at si Nino Regalado (drums).  Ang unang album ng Neocolors ay ang kantang “Making It”. Ang kanilang album ay naging platinum sales dahil sa genre nitong Pop Music. Ang pangalawang kanta na kanilang inilabas ay ang kantang “Tuloy Parin”  noong 1990, na umani din ng platinum hits, na sa panahon ngayon ay kinikilala OPM HITS. At ang huling album na kanilang  inilabas ay ang  “truth and Consequence” noong 1992.  Ito na ang huling album nailabas ng Neocolors sapagkat ang ibang miyembro grupo ay umalis na. Si Josel Jimenez ay unang umalis sa grupo sapagkat bumalik Davao City, at sinundan naman nito ni Marvin Querido noong 1192 upang maing isang Music Arranger at keyboardist. At sa mga ilang miyembro na natira ay nag desisyon umalis narin at iwan ang kanilang Grupong Neocolors.  Sa ngayon ang ibang artist ay nirerecording ang kanilang mga kanta at ang iba ay ginagamit ang kanilang kanta sa mga coomercials, TV at radio. 

             Napili ko itong kantang ito dahil isa to sa sumasalamin sa kanta ng aking buhay, sa grupo ng Neocolors na mayroon mang pinaka-masakit na nangyari sa buhay natin ngunit ito nga ang buhay “Happy and Pain”. Kasama sa buhay ang masaktan. Kahit gustuhin man natin na kontrolin ang takbo ng ating buhay, darating parin tayo pinakamapait na bahagi nito. Pero ang bahagi ito ang magsisilbing  lakas natin para harapin at magpatuloy sa buhay. 

Isang halimbawa na nito ay ang Pag-Ibig.  Minsan sa buhay ng tao merong darating at darating na na akala natin siya na talaga. Yung tipong akala mo siya na talaga si “THE ONE”, sakanya umiikot ang mundo, siya na ang makakasama mo pang habang buhay, siya ang dahilan ng iyong kasiyahan, yung tipong meron kilig at matatamis na ngiti sayo’ng mga labi at siya ang dahilan. Yung tipong inuuna mo siya sa lahat ng bagay. Minsa’y nga masasabi mo na “Hindi ko kaya ng wala ka”. Ang mga linyang bumibitaw sa iyong mga labi pag nabubulag kana sa dahil sa pag-ibig.

                 Ngunit lahat ay nagbago, ang iyong “THE ONE” na ngayon ay is “THE GONE”. Labis na nasaktan, nalugkmok man kalungkutan at hindi na alam kung paano pa magsisimula. Pero dapat natin malaman na  “NOT EVERY GOOD THINGS IN LIFE WILL REMAIN FOREVER.”  Hindi lahat ng dumadating ay permanente. Minsan kailangan nating tanggapin na hindi na talaga puwede. Damahin natin ang sakit dahil naniniwala ako na “PAIN MAKES YOU STRONGER!“. Habang tumatagal ang panahon marerealize natin na ang dami palang bagay na kailangan ipagpasalamat at ang daming bagay na nagbibigay sayo ng labis na kaligayahan. Pagkatapos ng pag-iyak at pagmumukmok ay muling pagkagising ng puso mong lugmok at muli mong makita ang iyong halaga. Huwag nating hayaan na lamunin tayo ng galit, sakit, puot, hinagpis at kalungkutan dahil kung mananatili tayo dito hindi natin malalaman ang totoong saya ng buhay. We need to FORGIVE, ACCEPT AND MOVE ON dahil ito ang huhubog saating pagkatao. Oo masakit sa umpisa, darating ng panahon ang lahat ng mga sakit ay tatawanan mo nalang. Kalimutan na ang sakit na dulot ng kahapon dahil umpisa na para simulan ang kuwento ng iyong buhay na puno ng kaligayahan at pasasalamat . Patuloy lang sa laban ng buhay!

              Tulad nga ng sabi sa kantang ito na  “Tuloy parin ang awit ng buhay ko, Handa na ‘kong hamunin ang aking mundo ‘Pagkat tuloy pa rin”.  Matapos man ang inyong kwento, ipagpatuloy mo lang ang takbo ng buhay mo. Dahil pagkatapos nito ay ang bagong saya at ligaya at sigla ng IKAW na walang SIYA.

ENJOY THE SONG! Please Subscribe now! Thankyou!

 

“Basura sa Pilipinas”

000001002

             Ang ating bansang Pilipinas ay isa sa mga pinupuntahan ng turista dahil sa aking ganda nito. Tunay nga na ang ating bansang Pilipinas ay sagana sa magagandang kalikasan. Ang kalikasan ay likha ng Poong Maykapal para sa bawat nilalang dito sa mundong ibabaw. Ang mga bagay na makikita natin sa ating kapaligiran ay nagbibigay saya at buhay.  Ngunit paano nalang kung ang kagandahan at saya na ito ay masisira o mawawala ng dahil lamang sa basura? Oo, basura! Basura dito, basura doon! Bata pa lamang tayo ay naimulat na tayo sa kahalagahan ng kalinisan, partikular na sa tamang pagtatapon ng basura. Ngunit hanggang ngayon ito parin ang sakit nating mga Pilipino ang pagkawala ng DISIPLINA at pagiging TAMAD. Basura ang isa sa malaking problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa. Nagkaroon pa nga ng kaliwa’t kanang kampanya ang gobyerno at pribadong sektor upang tutukan natin ng atensyon na ang hindi tamang pagtapon ng basura ay nagdudulot ng pinsala sa lugar. “Basura” ay hindi na bago sa ating lipunan anuman estado ng pamumuhay gayundin ang ideya  na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran. Ayon nga sa isang popular na kanta ng “Asin” –hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan. Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao at dahil dito dumarami din ang basura ng ating bansa. Kung kaya’t ang ating basang ginagalawan ay uni-onti ng nasisira.

           Habang dumarami ang tao at lumalaki ang pangangailangan ng pagkain,
dumarami rin ang basura at dumi na itinatapon ng bawat pamilya. Dahil sa may kakulangan sa pondo, pananalapi o di-mabisang pamamaraan, hindi lahat ng mga basura at dumi ay nakokolekta at nadadala sa hantungang tambakan nito. Nagiging sanhi ito ng mga problema sa kalusugan at kapaligiran. Tumatayang 8400 hanggang 8700 toneladang basura ang  nakokolekta araw-araw sa Metro Manila. Ang 30% nito ay galing sa mga paaralan tulad ng mga plastic at papel, 40% naman ay nakokolekta sa mga kabahayan at kainan na karaniwang makikita ay mga pagkain, at ang 30% naman ay nang gagaling sa hospital, hayop at pabrika. Sa kadahilanan na parami ng parami ang basurang nakokoleta araw-araw tumitindi na ang problema ng bansa sa basura na nagdadala ng masamang epekto sa maraming Pilipino. Ngunit hindi lamang ang ating mamamayang Pilipino ang nagdurusa kundi narin ang ating kalikasan. Sa kadahilanan na hindi maayos na waste management, at sa walang pakialam na pagtatapon ng basura kung saan–saan o pagtatapon sa maling tapunan, Kung iyon titignan sa larawan sa ibaba mas pinakamalaking purseynto, o 40% ang maling paggamit sa basura. Tulad na lamang na pagtatapon ng basura sa mga creek, at ilog na nag dudulot madalas ang pagbaha kahit na konting pag-ulan lamang sanhi na mga naka-bara na mga basura. At dahil din sa pagtatapon ng basura sa dagat maraming mga isda ang namamatay, nagkakaroon din ng water contamination masama sa kalusugan ang umiinon ng maruming tubig lalo na sa mga hayop na nagiging sanhi upang sila ay magkasakit. Isa pa rito ag pagkakarron ng soul contamination, masama sa kalusugan ng mga halaman ang makasipsip ng mga nakakalasong kemikal sa kanilang mga ugat at kahit din sa basura sa hangin na nagdudulot ng pagbabago ng klima (climate change). Sa mga nagtatrabaho sa mga incinerator o plantang nagsusunog ng mga basura hanggang maging abo ang mga ito na umaandar ng hindi wasto ay nagiging dahilan ng polusyon sa hangin at naghahatid ng mga sakit sa mga manggagawa  tulad ng sakit sa baga na hindi magagamot, kasama ang cancer bunga ng paglanghap ng mga alikabok at mapanganib na mga naghalong sangkap. Ang mga tambakan naman ng basura, tulad ng Smokey Mountain at Payatas, na wala o maling plano at hindi wastong pamamalakad, ay nagiging kaakit-akit sa lahat ng uri ng hayop at kulisap na nagkakalat ng sakit tulad ng inspeksyon sa balat, dugo, baga, mata at bituka. Ang mga basurang  dumi ng tao at iba pang lusaw (liquid wastes) at buo (solid wastes) na galing sa mga bahay at barangay na hindi wastong pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan Ang mga basurang pinababayaang o nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang mga basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy at nagiging daan ito sa pagdami ng problema sa kalusugan.

         Sa dami ng epekto ng basura saating kalusugan maging saating kalikasan marapat lamang na bigyan agad natin ito ng aksiyon.  Bakit hindi natin umpisahang gawin  ang tinatawag na 3’R (Reduce, Reuse at Recycle) at waste segregation ang pag hihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok. Kung ating titignan sa litrato sa itaas 30% lamang na mga basura ang na rerecycled at ang 55% ay napupunta sa landfills at 12% sa mga incinerators. Bilang isang indibidwal mayroong tayong malaking gampanin sa ating kalikasan marapat lamang malaman natinang tamang pag-aalaga saating kapaligiran at pagtapon ng basura. Matuto tayong itapon ang ating basura sa tamang tapunan at mas lalo pang pag usbung-in ang mga seminars at mga aktibidad patungkol sa ating kapaligiran ng sa gayon tayo’y handa at bukas ang pag-iisip sa tama at mali. Dapat tayong maging responsable sa lahat ng pagkakataon. Basura ay ayusin para saating kapakanan. Maayos ang kapaligiran kung tayo mismo ang nangunguna sa paglilinis nito. Mahalagang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran dahil dito nakasalalay ang ating kalusugan at kabuhayan .Isa sa pinaka-mahalagang paraan upang maibsan ang klima ay ang hindi pagsunog ng plastik at hindi paggamit ng nakasasamang bagay sa ating kapaligiran. Masasabing ang “kalinisan ng ating lugar ay katulad ng kalinisan ng ating kalooban”. Ang lahat ng ating pagsisikap ay magkakaroon ng katuturan kung ito ay ating isasapuso. Pagsisikap at determinasyon ang kailangan natin lahat upang magkaroon ng katuparan ang lahat. Umpisahan natin sating sariling paa ang pagbabagong gusto matamo. “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan” Ika nga ng matatanda. Sabay-sabay TAYO na ng iligtas ang ating sarili, pamayanan at ang mundo. Huwag na natin antayin na tayo’y magsisi sa huli! Tara na! Kilos na para sa pagbabago!

#SaveOurMotherEarth #ActionsBeforeItsTooLate #SaveYourself